Naalala ko nanaman ang kanta ng isa sa paborito kong singer:
“It takes a loss before you found it.” -Life is Wonderful, Jason Mraz
Siguro hinahanap niya yung pagtetext ko. School is giving me much problem. Naisip ko nalang isang araw na, siguro nalulungkot siya dahil hindi ako nagtetext. Dapat pala, sa kabila nito, e nag-stick pa rin sana ako sa pakikipagusap sa kanya, sa kahit anong paraan na kaya ko. At sa text na importante, because that’s one of the things that bridges the gap of physical separation naming dalawa. Hiwalay man pisikal, konektado pa rin sa puso.
Pero siguro mabuti na rin ang naidulot nito, kasi nakita ko na hindi lang ako bale wala sa kanya. Siguro yung salawikain na maiisip mo ang kahalagahan ng isang bagay sa buhay mo sa oras na ito ay mawala sa iyo.
Baka isipin niyang hindi totoo yung sinabi kong mahal ko sya, na hindi ako mawawala, na hinintayin ko siya.
Siguro yung part na hindi ako mawawala ay hindi na totoo, kung pagbabatayan sa “presence” dahil parang nawala ako sa loob ng ilang sandali. Pero kung pagbabatayan sa “isip at puso” eh hindi ako nawala. Dahil hindi siya nawala sa isip at puso ko.
Nagtatalo sa isip ko, limang buwan na lang, at matatapos na rin ang kabanatang tinatawag na “college” sa buhay ko. Pagkatapos noon siguro ay makapagsisimula ako ulit nang bago, nang maayos, nang walang problema; at higit sa lahat, (siguro?) na kasama sya.
Hindi ko alam kung paano ko ipaparating sa kanya na SANA ay huwag siyang mawala. Minsan gusto ko nang maging makasarili at sabihin sa kanyang:
“Dyan ka lang ha. Wag kang mawawala. Babalik ako.”
Ngayon ko lang naranasan ang magtanim ng napakalaking pag-asa sa pag-ibig. Siguro, naging “close to reality” na ang inisip ko na, baka umabot pa ng isang taon higit bago ko masigurado sa kanya kung willing ba siyang mag-take ng chance sa pag-ibig na ang kasama ay… ako.
Nalungkot ako sa mga mga pinarating nyang mensahe sa akin noon. Pero nakikita ko naman ang mali ko, hindi ako nagsabi na iintindihin ko muna ang mga gusot at mga problema sa school na ang tawag ay… thesis.
Pero ayun at ayan, hanggang sa natagpuan ko na ang sarili ko na parang hinahayaan ko nang mapaglipasan ng panahon ang pag-asa na matagal kong itinago sa damdamin at isipan. Nagising ako. Naisip ko tuloy: ang pagkakataon ay minsan lang dumating sa buhay. May mga ibang pagkakataon na kahit minsan ay pinalagpas, kalaunan ay bumabalik rin. Pero may mga pagkakataon rin naman na kapag pinalagpas ay..sorry na lang.
Ang nakapagpabagabag tuloy ng isip ko ay, paano kung mapunta sa pangalawang choice ang lahat ng ito? Hindi ko naman sigurong pwedeng gawin na magmakaawa at sabihing bumalik sya sa buhay ko.
Nakikita ko ang sarili ko 5 years from now:
Kaibigan: “pare, 25 ka na, may girlfriend ka na?”
Ako: “wala pa. pero may hinihintay ako. Nagaaral pa kasi siya e.”
Madalas kong isipin na if I would stop this, meron namang ilang taon pa na pwede ko siyang hintayin, at siguro sa oras na yon ay naabot na nya ang pangarap na gusto nya sa buhay. Syempre, kung hindi pa taken ang puso nya sa mga panahon na iyon, I would pursue her.
Sana sa panahon na to na medyo nawalan kami ng komunikasyon, sana maisip niya kung sigurado ba talaga siya sa akin. Dahil yun lang naman talaga ang hiling ko noon pa man. Kung magdedesisyon siya, gusto ko yung sigurado. At kung hindi man, I will come again, some time later.
Naalala ko tuloy yung nagkakwentuhan kami ng isa kong kuya sa church. Sinabi ko sa kanya, paraphrasing:
“Matagal pa siguro bago maging “for keeps” kaming dalawa. Kasi may mga pangarap pa siya na ewan ko kung dapat o gusto nya talagang abutin. Siguro when the time comes na ok na ang lahat, dun pa lang magiging “for keeps” kami.”
Sagot ng kuya ko sa church na to, paraphrasing:
“Matagal yun a. Pero dapat kahit ngayon pa lang, pinaplano mo na ang buhay mo. Marami pang pwedeng mangyari sa iyo. Kung siya talaga gugustuhin mo, iplano mo na ang buhay mo kasi, hahayaan mo bang lumagpas ka na ng 35 at hindi ka pa rin lumalagay sa tahimik?”
I may be planning big and ambitious enough, pero if I would plan my life, I’d be happy to have her in it.
I really hope na hindi ko pa rin siya ma-lose…

