Post

boto nang kabataan

In technology on March 5, 2010 by scias23 Tagged:

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pananaw.  Tamang-tama at napapanahon – paparating na ang araw ng halalan. Masusukat nanaman ang paggamit natin ng ating isip sa pagpili ng susunod na mamamahala sa ating bansa sa loob ng 6 taon. Isa tayong demokratikong bansa; ang karapatang bumoto, o right of suffrage ay makikita nanaman sa darating na dalawang buwan. Halos nasa kalahati na tayo ng campaign period, at pagkatapos, halalan na.

Hawak naming mga kabataan ang malakas na voting power sa May 10. Ngunit nakakalungkot isipin na karamihan sa amin – opo, karamihan sa mga kabataang aking nakakausap at naririnig, ay pipili ng kandidato ayon sa mga adverts sa telebisyon at print, popularidad, at lalu na – sa nakakabit na pangalan. Simple lang naman ang hinihingi ng ating inang bayan sa panahong ito: ang matigil na ang korapsyon, magkaroon ng progresibong pag-unlad, at maibalik ang kapayapaan sa ating sinilangang lupa.

Wala akong intensyon na magparinig o kung ano man, ngunit eto po ang katotohanan. Dahil ba masyado nang timid ang mga kabataang botante sa pagkilatis, pagsuri, at pagtingin sa kapasidad at sa mga nagawa, e magbabase na lamang sa winnability, surverys, sabi-sabi, at higit sa lahat – uso. Trend. Nakakapanghinayang. Nakasalalay sa atin ang mga susunod na uupo sa kapangyarihan.

Uulitin ko, wala akong intensyong magparinig, ngunit eto po ang katotohanan. Malaking kontribusyon nga naman ang pangalan sa pagkumbinse na iboto ang kanilang pangalan sa balota. Ngunit pansin nyo, tanungin nyo sila kung bakit siya ang iboboto. Eto ang siguradong mga sagot. Opo, eto:

  • kasi anak sya nina
  • kasi baka ipagpapatuloy nya ang mga nagawa na nung kanyang
  • kasi naranasan na nya ang buhay ng ordinaryong pinoy
  • kasi sa balita, malaki ang percent nya sa survey. sayang naman ang boto. iboboto ko nalang yung malaki ang lamang sa survey.

Diba’t sayang kung dito lang tayo magbabase. Pero tanungin natin sila kung ano na ba nagawa ng tao na yon sa lipunan. Wala pa pong sumagot sa tanong ko na ito. Nakapagtataka. Desidido silang iboto ang kandidato WITHOUT knowing kung ano ba ang kapasidad nila. Hindi ba’t dapat mas tinitingnan ang kapasidad, ang mga nagawa, kaysa sa pangalan? Sorry po, ngunit eto talaga na wala pang sumagot sa akin sa tanong ko na ano na ba ang nagawa sa bayan. Nagawa nang kilala ng sambayanang Pilipino, oo. Ngunit yung mismong tao na tumatakbo, ano na ba ang nagawa? Wala pang sumagot sakin.

Natutuwa naman ako sa mga iba na sa prinsipyo talaga tumitingin. Iboboto nila ang kandidato hindi base sa pangalan o popularidad, kundi sa mga nagawa at sa kapasidad. Tanungin ko sila at eto ang mga sagot nila:

  • kasi naayos nya ang lugar na to
  • kasi matalino talaga sya at may nagawa naman sya kahit papano

Please lang, tingnan natin HINDI ang pangalan, popularidad, at respeto na na-establish na ng mga nauna. Respect counts, but what count most are capability, principle, and integrity.

Advertisement

One Response to “boto nang kabataan”

  1. let’s act and hope for the best for the next 6 years of our Country.
    Great Site btw :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.